Monday, March 16, 2020

Paglakas ng Republika ng Rome at Inca


Una sa lahat, Paano nga ba nasakop ng Rome ang buong Italian Peninsula at Mediterranean? Ito ay dahil nilabanan ng mga Romano ang mga Griyegong naninirahan sa timog ng Italy.




Sino nga ba ang nanguna sa maikling labanang naganap sa Heraclea? Ito ay walang sino man kundi si Haring Pyrrhus. Sino nga ba si Haring Pyrrhus? Si Haring Pyrrhus ay Hari ng Epirus at siya ay pinsan ni Alexander the Great. Ang kanyang pagkapanalo o pagkatagumpay ay tinawag na "Huwad na Tagumpay" o "Pyrrhic Victory". Nagtataka ba kayo kung bakit tinawag ang kanyang tagumpay na Pyrrhic Victory at kung paano nabuo ang pangalang Pyrrhic Victory? Ito ay dahil kinalaunan ng kanyang tagumpay sa Heraclea ay natalo siya at bumagsak sa sumunod na labanan sa Beneventum noong 275 BCE.






Ang "Pyrrhic" ay hango sa pangalan niyang "Pyrrhus" at ang "Victory" naman ay ingles ng salitang tagalog na "Tagumpay". Dahil sa kaniyang pagwawagi, ang Rome ay tinaguriang "Mistress of Italy"


Alam niyo ba na ang pinakamahalaang digmaan naganap sa Rome ay ang "Digmaang Punic" noong 264 - 146 BCE.




Ito ay dahil sa labanang naganap sa "Carthage o Tunisia"






Nagtataka rin ba kayo kung saan nagmula ang salitang Punic? Huwag na tayong magpaligoy - ligoy pa. Ang salitang "Punic" ay nagmula sa salitang Latin na "Puni" na ang ibig sabihin ay Phoenicia. Kung ang Digmaang Punic ay may pinagmulan mayroon ding pinagmulan ang Carthage. Ang Carthage ay dating kolonya ng Phoenicia subalit ito ay naging malaya at makapangyarihang imperyong komersyal at ito ay malakas sa hukbong pandagat na kumontrol ng kalakalan sa Mediterranean. 

Pagkatapos ng unang Digmaang Punic nasundan ito ng ikalawang Digmaang Punic noong 218 - 201 BCE. 


Ang pinuno na namuno sa Carthage at sumalakay sa Rome ay walang iba kundi si Hannibal. Maniniwala ba kayo na sinalakay ni Hannibal ang Rome gamit lamang ang mga elepante mula Spain at tinawid ang France at Alps? Oo, tunay iyon dahil sa panahong iyon ay wala pang mga kotse at iba pang mga de - andar na mga gamit kaya ang gamit lamang nila noon ay mga hayop para makarating sa hinahangad nilang destinasyon. Kung ang namuno sa Carthage ay si Hannibal, ang namuno naman sa hukbo ng Rome ay si Scipio Aemilianus na siya namang sumalakay sa Carthage at mayroon pang naganap na labanan at ito naman ay sa Zama noong 202 BCE. 




Muling nagtagumpay si Scipio at siya ay tinawag na "Scipio Africanus", ang mananakop ng lupain, dahil isa siyang mahusay at magiting na mananakop. Hindi lamang una at ikalawa ang nangyaring digmaan, mayroon pang ikatlong digmaang punic, dito na nangyari ang pagbagsak ng Carthage at nanatili itong banta sa Rome.

Alam niyo ba na noong unang digmaang Punic naiwan ng mga Carthageans ang kanilang sasakyang pandigma na tinawag na Quinqeureme.




Alam niyo rin ba na sa loob lamang ng 60 araw ay nakabuo ang mga Romano ng isang daang Quinquereme na may limang palapag na pangggaod at higit na mabilis at matibay kaysa sa Trireme ng mga Griyego.





Ang Quinquereme ay nagmula sa salitang "Quin" na ang ibig sabihin ay "lima" kaya ito may limang palapag. At ang Trireme naman ay nagmula sa salitang "tri" na ang ibig sabihin ay "tatlo".

At ngayon naman, ating talakayin ang mga epekto ng paglawak ng kapangyarihan ng Republika, halimbawa na lamang nito ang mga malalaking lupain o latifundia na ginamit sa pag - aalaga ng baka sa halip na tamnan ng butil dahil sa higit na malaking kita mula rito. Isa pang epekto ng paglawak ng kapangyarihan ng Republika ay ang paglaganap ng kawalan ng hanapbuhay sa pangkat ng mga plebeian, at umusbong naman ang bagong antas ng tao sa urban na tinawang na Proletariat.

Dumako naman tayo ngayon sa panahon ng pagkakagulo sa Rome na kung saan naging tanyag sina Pompey, Crassus at Julius Caesar. Dahil magaling sila sa pakikipaglaban, bumuo sila ng alyansang tatluhan na tinawag na Unang Triumvirate at hinati ang Imperyong Romano sa kanilang tatlo. Humantong naman tayo sa buhay ni Julius Caesar. Para sa kaniya, ang pagtalima sa kautusan ng senado ay nangangahulugan ng pagwawakas ng kaniyang propesyon o ng kaniyang kamatayan. Ngunit ang pagsuway naman niya rito ay maaaring  mangahulugan ng digmaang sibil, kaya kailangan niyang gumawa ng isang desisyon, at bago siya tumawid sa Ilog Rubicon, kaniya munang iwinika ang mga katagang: "The die is cast". Hindi niya sinunod ang utos ng senado na siyang sanhi ng kanyang pagkamatay. Pero bago siya namatay ay naging isa siyang mahusay na diktador sa loob ng sampung taon at siya ay tinaguriang "Uncrowned King" dahil siya ay magaling, sikat at higit sa lahat, siya ay makapangyarihan sa isang partikular na lugar sa buhay lalo na't kapag wala siyang opisyal na ranko o titulo.

Dahil doon, natakot ang mga patrician na kontrolin niya ang senado, kaya nagtipon - tipon sila at nagusap - usap na patayin siya kaya noong ika - 15 ng Marso, si Caesar ay pinisala ng kaniyang mga kaibigan na sina Brutus at Cassius. Alam niyo ba na kaya tinawag na "Ides of March" ang kaniyang pagkamatay ay dahil sa siya ay pinagsasaksak ng paulit - ulit noong ika - 15 ng Marso 44 BC at isang manghuhula ang nagsabi kay Caesar na mag - ingat subalit hindi siya nakinig. Ang salitang "Ides" ay nagmula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay "divide" sa ingles o " hahatiin" sa tagalog.

Nang mamatay si Caesar, sina Octavian, Mark Anthony at Lepidus na kabilang sa pinagkakatiwalaang kawal ni Julius Caesar ay nagtatag ng alyansa na tinawag na Ikalawang Triumvirate. Itinatag nila ito upang ipaghiganti ang kamatayan ni Caesar. Atin naman ngayong pag - usapan si Augustus Caesar o si Octavian at ang kanyang titulong "Augustus". Siya ay tinaguriang "Augustus" o kapuri - puri na kadalasan ay iginagawad lamang sa isang diyos. Ang 41 taong panahon ng pamumuno ni Augustus ay tinawag na Prinicipate at gaya ni Julius Caesar, siya rin ay naging isang mahusay at magaling na Diktador, hindi lamang siya Diktador kundi isa rin siyang Imperator o pinuno ng Hukbong Militar, Pontifex Maximus o isang Pinakapunong Pari at isa rin siyang Princeps Civitatis o Unang Mamamayan at sa kanyang palad ang mga senado ay tagapayo lamang. Isa sa mga itinatag ni Augustus ay ang pundasyon ng Pax Romana o ang Katahimikan at ang Kaayusan.

Atin naman ngaying talakayin ang tungkol sa Dinastiyang Julian. Pag - usapan muna natin si Tiberius. Sino nga ba si Tiberius? Si Tiberius ang nagpaunlad ng lalawigan sa pamamagitan nang maayos na pagbubuwis at sa panahon niya, ipinako si Kristo sa krus noong 14 - 37 CE. Ang sumunod naman sa kaniya ay si Caligula noong 37 -  41 CE. Sino ba siya? Siya ang baliw na pinuno dahil hinawa niyang kasapi ng senado ang kaniyang kabayo at sa halip na sakupin ang Britain, inutusan nito ang kaniyang hukbonna mamulot ng kabibe. Ang sumunod naman sa kaniya ay walang iba kundi si Claudius at sino naman siya? Siya ang naging matalinong emperor at nasakop niya ang Britain at naging bahagi ng imperyo noong 41 -  54 CE at ang huli naman ay si Nero at sino siya? Naging guro niya si Seneca at siya rin ang unang nagparusa sa mga Kristiyano noong 54 - 86 CE.

Kung mayroong Dinastiyang Julian, mayroon ding Dinastiyang Flavian at ang kauna - unahang pinuno rito ay walang iba kundi si Vespian noong 69 - 76 CE at sino nga ba siya? Siya ang naging kauna - unahang emperador na hindi nagmula sa aristokrata at siya ang nag wakas ng digmaang sibil at ang sumunod naman sa kaniya ay si Titus noong 79 - 81 CE at sino naman siya? Napasinayaan niya ang colosseum at pumutok ang Mt. Vesuvius na sumira sa mga lungsod ng Pompei o Hercunaleum. Ang sumunod naman sa kay Titus ay si Domitian noong 81 - 96 CE, ano naman ang nagawa niya at sino ba siya? Siya ay naging diktador at ipinapatay niya ang lahat ng kumalaban sa pamahalaan kabilang ang maraming Kristiyano.

Humantong naman tayo ngayon sa Limang Mabubuting Emperador at ang unang naging lider noong 96 - 98 CE ay si Nerva. Mayroong isang pangyayari na nangyari at ito ay ang "Era of Good Feeling" at sa kaniyang panahon ay ang emperador ay pinipili ng senado. Ang sumunod naman kay Nerva ay si Trajan noong 98 - 117 CE, siya ang unang emperador na ipinanganak sa Spain at ang sumunod naman ay walang iba kundi si Hadrian noong 117 - 138 CE at ang nagawa naman niya ay sa halip na manakop, pinatatag niya ang imperyo at inayos ang burukrasya at nagtatag ng sistemang Postal. Matapos maging lider si Hadrian, amg sumunod naman sa kaniya ay si Antonius Pius noong 138 - 161 CE, siya ang nagpatupad ng mga programang pang edukasyon at kagalingan ng mga bata at sa kanyang panahon humina ang hukbong militar at ang kahuli - hulihang lider naman ay walang iba kundi si Marcus Aurelius noong 161 - 180 CE, siya ang nagpapigil ng malawak na pag - aalsa ng Syria at Danube. Siya rin ang sumulat ng aklat tungkol sa pilosopiya at alam niyo ba na ang pamunuan ng mga nabanggit na mga emperador ay nagpakita ng kahinaan at kagalingan.

Tayo naman ngayon dumako tungkol sa Panitikan at Kasaysayan ng mga Roman. Alam niyo ba na ang Panitikang Romano ay katulad ng mga Griyego na makatao at makamundo. Gusto niyo bang malaman kung sino ang tatlong higante sa larangan ng Literaturang Romano? Ang talong ito walang iba kundi sina Virgil, Ligy at Horace.

Atin naman ngayong pag - usapan ang tungkol sa Kaharian ng Axum. Alam niyo ba  na si Haring Ezana ay isang Kristiyano at siya ang nag - kontrol ng lahat ng pakikipagkalakalan sa mga dayuhan at nangolekta ng buwis sa karatig pinuno. Kung si Haring Ezana ang Hari ng Axum, sa Kaharian ng Zimbabwe naman ay walang mga Hari - Hari ngunit mayroong mga pinuno. Alam niyo ba kung ano ang pinagmulan ng Zimbabwe? Ito ay galing sa mga salitang "tahanan ng pinuno" o "nakakulong na bato".

YUN LAMANG PO AT MARAMING SALAMAT! SANA NAMAN PO AY MAY NATUTUNAN KAYO KAHIT KAUNTI MAN LANG SA AMING NAGAWANG BLOG! SALAMAT AT MABUHAY! 

No comments:

Post a Comment